| April 5, 2005 |
deathcabforcutie |
blech.
this is a favorite post.
it struck me that many an irony have somehow ventured into my young life that i should consider writing paradoxes. huwaaat? hehe. tama na nga yan.
alam niyo ba yung laruan na daga na may mga rubber band at bato sa ilalim na paghinila mo yung thread tas binitaw tatakbo siya na parang totoong daga? wala lang. naaaliw ako at the moment kakalaro ng ganun ng pinsan ko. haha. ginawa na palang kapalit ng namatay na hamster na bigay ni chesca. haha. 
na-realize ko rin na masyado kong ginagago yung sarili ko kakahabol ng naglalaman ng namamaga kong puso [nay may sakit na pala]. panu ko nasabi? kasi theme song ko sa kanya ngayon "get me". yes. kung hindi yan smitted with helpless, pathetic, pitiful, undying love i don't know what is. as in nung una kong narinig yung song na yon,, asa kotse tas parang,, habang pinapanood ko yung mga lumilipas na shops ng libis,, alam niyo ba yung mga instances na napapatunganga ka nalang kaiisip ng mga blissfully wonderful occurences in time na pinagsama kayong dalawa ng kismet?? [yes gusto pa vocabulary word namin sa english.] eh yun. yun yung nangyari sakin nung araw na ginawa kong theme song yung paulit-ulit na kantang iyon ng MYMP.
kanina may ballet at guitar lessons ako. naaawa na talaga ako kay miss maricar at kuya romi. kung sana nabigyan pa sila ng chance na i-decline yung offer na gawin akong student nila this summer, mas hahaba pa siguro ang life span nila. hai. goodluck nalang sainyo. lolo ko yung may gusto na maglessons ako eh. huhu 
miss ko na yung SMB. sige na nga yung buong st. paul na. haha. oo miss ko na kayo! gusto ko na ulit makipaglaitan kasama ang barkada. gusto kong maulit muli yung mga laughtrips na nagdadala ng tummyaches na nangangailangang pumunta sa clinic upang makapahid ang efficascent oil sa tiyan tuwing class ni sir ron. gusto kong makita siya muli [hindi si sir ron gagu]. sawa na ko sa pagaabang ng mga possibilidad na makikita ko yung kapogian niya kung kailan kailan lang [hindi talaga to si sir ron ah baka akala mo]. gusto ko ARAW ARAW. pero nakaranas na ako ng hustong pagpapakasakit para matuto na sa buhay, hindi mo maaaring makuha lahat ng gusto mo. kaya..
ai lam niyo ba nalugi ako ng isang pulubi na nagbebenta ng sampaguita sa may greenhills. [ahaha bitin kau] kasi galing ballet palang ako tas nagmcdo muna kami bago ako hinatid ni mang ronni sa guitar tas may kumatok sa window ng sasakyan namin. tas ayun may batang nagbebenta ng sampaguita. eh di ko muna siya pinapansin kasi sabi ng mom ko wag silang i-encourage na mag-beg sa kalye kaya lang napatingin ako sa bata. eh so naguilty ako kasi ang liit liit niya tas sunog na yung balat niya sa init ng araw. nagsmile ako sa kanya tas tumingin nalang ulit ako sa harap. tas sa wallet na nilabas ko para magbayad sa drive thru. tas sa bata ulit. tas sa wallet. tas sa bata. tas sa wallet. tas sa langit. haha. weh. eh ayun in the end, naglabas na rin ako ng P20 tas binuksan ko yung window para ibigay sa kanya. tas biglang gumalaw na yung kotse kasi hindi alam ni mang ronni na may mabuting asal akong ginagawa sa likod pero hawak-hawak na ng bata yung pera at hindi lang man niyang sinubukang habulin yung kotse sa mabagal na pagdadrive ng driver namin. so ayun habang papunta na kami sa studio nilalait ko yung bata sa ulo ko. wala lang man akong sampaguita!
aha teka sampaguita pala ang habol. hinde. ok nga yun eh nagbigay ako na walang kapalit. tas hindi pa malalaman ng mom ko na "nag-encourage" ako ng bata na manlimos. yes undercover super hero na si dannie! haha.
pero that's what you don't get for hesitating to help the needy. sampaguitas! haha.
sige. tulog na ako. may ballet ulit ako bukas eh. hmfrghfgle.
ai teka. special mention. haha.
to this *person* who has hurt my feelings for a very obvious, apparent, clear, conclusive, conspicuous, discernible, distinct, evident, explicit, exposed, indisputable, lucid, noticeable, observable, open, overt, perceivable, perceptible, plain, precise, prominent, pronounced, public, recognizable, self-evident, self-explanatory, straightforward, transparent, unconcealed, undeniable, understandable, undisguised, unmistakable, unsubtle, visible [halatang nagthesaurus] reason. i am feeling perfectly sour at you at the moment. not only have you downrightedly achieved access to the person you know i feel deeply infatuated for for socially benefitting excuses, but you did it excluding me from knowing anything about it.
in short: backstabber ka!
i'm sorry. i really don't intend to cause any issue by making panira you. [nyeh sagwa pakinggan] pero honestly nasaktan talaga ako. ba't ayaw mo pa sabihin sakin mismo na magkatext kayo? kasi takot ka? duwag! haha joke. oh well. taken rin naman siya kaya pareho tayong walang chance. hahahaha.
magpasalamat ka lang na wala akong sinabing masama sa kanya tungkol sayo. at wala rin akong planong gawin yon. i won't sink to your deep-as-the-marianas-trench level. 
i hope we can straighten this out, you know. [gusto pa may you know] akala ko mali yung judgement ko sayo nung 1st quarter. pero ngayon mukhang nagkakatotoo rin. 
just to let you know, i'm praying for you tonight. not for you to recieve punishment or any of those crappy, evil voodoo stuff. but to let you recieve light on how others feel because of certain actions you undertook. hindi lang ako ang na-affect sa mga ginawa mo. kasi marami ang pinaglaruan moh. teka akala player yung inaaddress ko. hahaha. sige tama na yan. at least napawi rin ang mabigat na karamdamang nagdurusa sakin the past.. two days. hahaha. akala nagsuffer ng ilang taon. o basta. yun na yon. diba diba? weh. sorry nga pala sa di makarelate. na-over ako sa emotions. haha. babooi! 

currently listening to get me - MYMP [theme song!]
currently watching the commercial of the brini maxwell show
| deathcabforcutie roadkilled at 10:39 AM |
1 hostaged |